Patay ang isang babae sa Butuan City matapos makuryente habang namimitas ng mangga.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, sabi ng saksing kapitbahay na habang nakaupo sa sanga ng puno ang biktima, nadikit sa kawad ang kanyang panungkit.

Gumamit ng boom truck ang mga awtoridad para ibaba ang katawan ng babae, na nagka-lapnos at paso sa iba't ibang bahagi ng katawan. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima. — BM, GMA Integrated News