Nasawi ang apat na sakay ng isang kotse matapos nilang makasalpukan ang isang truck sa Pinamungajan, Cebu.

Sa ulat ng GTV Regional TV News nitong Lunes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na galing sa fiesta ang mga biktima at patungo sa Toledo City.

Pero tumawid umano sa kabilang lane ng kalsada ang kotse sa bahagi ng Barangay Tajao kaya nakasalpukan ang paparating na truck.

Nasawi ang driver at tatlong sakay ng kotse.

Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng truck na hindi nagbigay ng pahayag.-- FRJ, GMA Integrated News