Dead on the spot ang isang lalaking nagtatrabaho sa isang mall sa Bacolod City matapos siyang barilin sa ulo.

Base sa imbestigasyon, naka-breaktime ang biktima na isang housekeeping crew, ayon sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Lunes.

Nagpapahinga siya noon sa labas ng isang tindahan nang may lumapit at pagkatapos ay binaril siya sa ulo.

Tumakas agad ang salarin gamit ang isang motorsiklo.

Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman ang krimen sa iba pang trabaho ng biktima. Hindi muna sila nagbigay ng detalye.

Mayroon na raw lead at person of interest ang pulisya. —KG, GMA Integrated News