Nasawi ang isang pasahero at dalawa pa ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang pickup sa isang nakaparadang trailer truck sa Naga, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Balitanghali nitong Martes, sinabing lumabas sa imbestigasyon na tumilapon ang pasahero na nakaupo noon sa passenger seat.

Dead on arrival sa ospital ang biktima.

Pinalaya kalaunan ang driver ng truck matapos lumabas sa imbestigasyon na nakaparada lamang ang truck sa gilid ng kalsada.

Samantala, posibleng maharap ang driver ng pickup sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury at damage to property. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News