Isang babaeng guro ang dinakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency-Zamboanga (PDEA-9) na 59-anyos ang naarestong guro.

Nakuha sa suspek ang ilang sachet na hinihinalang shabu ang mga laman na aabot ang halaga ng P1 milyon.

Matagal na umanong sinusubaybayan ng mga awtoridad ang guro na ikinukonsidera nilang "high value individual" sa illegal drug trade.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may mga estudyante na binebentahan ng guro ng ilegal na droga.--FRJ, GMA Integrated News