Isang pawikan na naaagnas na ang nakitang palutang-lutang sa dagat sa Bulan, Sorsogon.

Sa ulat ni CJ Torrida ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing namataan ang pawikan sa dagat na sakop ng Barangay Otavi.

Iniulat ito ng mga residente sa Bulan LGU, na sinuri ang bangkay ng hayop at agad itong inilibing. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News