Nasawi ang isang lalaki samantalang kritikal ang lagay ng isa pa nang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa isang military outpost sa Labangan, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, isinalaysay ng pulisya na sakay ng motorsiklo ang dalawa nang pagbabarilin sa nasabing lugar sa Barangay Tapodoc.

Nagtamo ang nasawing biktima ng tama sa ulo, samantalang tinamaan sa dibdib at braso ang isang sugatan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin, at ang motibo nila sa krimen. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News