Parehong nagtamo ng mga sugat ang isang mag-ama sa Virac, Catanduanes matapos silang magsaksakan sa kanilang bahay dahil umano sa hindi pagkakaintindihan.

Sa ulat ni Denise Abante ng GMA Regional TV News nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na parehong nakainom ng alak ang mag-ama bago ang insidente.

Ilang saglit lang, nagwala na ang padre de pamilya, na kumuha ng kutsilyo sa kusina at sinaksak ang kaniyang anak na lalaki.

Naagaw naman ng anak ang patalim at sinaksak nito ang ang kaniyang ama sa bahagi ng leeg.

Parehong itinakbo sa ospital ang mag-ama.

“Parang nagkapatawaran na ito kasi siguro magkakapamilya lang naman. Siguro noong gabing nangyari ‘yun, nakainom sila kaya umabot sa ganoong insidente,” sabi ni Police Major Esmol Icawat ng Virac MPS.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News