Sugatan ang isang bata sa Matnog, Sorsogon matapos itong mapana sa noo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Batay sa kuwento ng ina ng bata, aksidenteng natusok ng pana ang kaniyang anak ng mismong kalaro nito.

Dinala na sa ospital ang bata at matagumpay na naialis ang pana sa kaniyang noo.

Nagpapagaling na ngayon ang bata at nasa mabuti na itong kalagayan.

Hindi na naghain ng reklamo sa pulisya ang ina ng batang natusok ng pana. —KBK, GMA Integrated News