Bangkay na nang matagpuan ang isang 12-anyos na babae na halos dalawang araw nang nawawala sa Santiago, Isabela.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing hinihinalang ginahasa ang biktima dahil wala itong saplot nang matagpuan masukal na bahagi sa gilid ng daan.

Basag din ang kaniyang bungo dahil sa pala ng kahoy at bato.

Naaresto ng pulisya ang isang suspek na sinabi umano na nagawa niya ang krimen dahil binu-bully umano siya ng biktima.—FRJ, GMA Integrated News