LOPEZ, Quezon - Sugatan ang pitong taong nanonood lang ng motorcycle endurance challenge sa Lopez, Quezon nitong Linggo ng madaling araw matapos silang masalpok ng isang motorsiklong kalahok.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang rider ng nasabing motorsiklong kalahok sa kompetisyon, dahilan para sumalpok ang motor sa mga tao sa gilid ng highway.

Animo'y winalis ang mga tao sa lakas ng impact ng sasakyan.

Agad isinugod ng mga rescuer ang pitong sugatan sa pagamutan.

Karamihan sa mga sugatan ay nagtamo ng matinding bone fracture.

Problema ngayon ng mga biktima ang gastos sa pagpapagamot nila.

Hindi pa matukoy kung sino ang may pananagutan sa nangyaring aksidente.

Kinukuha pa ng GMA News ang pahayag ng mga organizer ng motorcycle endurance challenge. —KG, GMA Integrated News