Patay ang isang 33-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin sa loob ng kaniyang kotse sa Binmaley, Pangasinan. Ang suspek, kinatagpo pa mismo ng biktima para pag-usapan ang hindi nila pagkakaunawaan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nangyari ang krimen nitong gabi ng August sa Barangay Baybay Lopez.

Ayon sa pulisya, nagtungo ang biktima sa lugar kung saan nangyari ang krimen para makipagkita sa 24-anyos na suspek upang pag-usapan ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Matapos na makapag-usap, bumalik na sa kaniyang kotse ang biktima pero sumunod sa kaniya ang suspek doon na siya pinagbabaril.

Tumakas ang suspek at ang isa pa na pinaniniwalaang sasabwat ito.-- FRJ, GMA Integrated News