Nasawi ang isang mag-asawa matapos silang pagbabarilin habang nakasakay sa motorsiklo sa Zamboanga City.

Sa ulat ni Efren Mamac ng GMA Regional TV News nitong Huwebes, sinabing papauwi na ang mag-asawa nang tambangan sila ng salarin at pagbabarilin sa Barangay Buenavista.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga salarin, at tinitingnan ang anggulong redo o away-pamilya bilang motibo sa krimen.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News