Isang grupo ng mga kabataan ang nangolekta ng mga ginupit na buhok mula sa mga salon at pagupitan sa Batangas para makatulong sa paglilinis sa oil spill sa Bataan.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing lumabas sa pananaliksik ng grupo na malaking tulong ang mga hibla ng buhok sa pagkuha ng langis.

Layon ng mga kabataan na makakuha ng 20 kilo ng buhok.

Suportado sila ng mga salon at pagupitan. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News