Nasawi ang isang 39-anyos na ginang nang tamaan ng kidlat matapos sumilong sa isang puno dahil bumuhos ang ulan sa San Luis, Pampanga.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na ang biktima kasama ang anak nito nang mangyari ang insidente sa Barangay San Isidro.
Bumuhos umano ang malakas na ulan kaya sumilong ang mag-isa sa puno na tinamaan ng kidlat. Ligtas naman ang anak ng biktima.
Nag-aalala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na iwasan ang mga open area at mga punong kahoy kapag may thunderstorm. Ganoon ang mga lugar na may tubig at mga metal na bagay.--FRJ, GMA Integrated News