Isang plastic na may laman na hinihinalang shabu ang laman ang nakita ng isang mangingisda na lumulutang sa karagatang bahagi ng Ilocos Norte.
Sa ulat ni Russel Simorio sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkules, sinabing tumitimbang ng halos isang kilo ang droga na tinatayang nagkakahalaga ng P7 milyon.
Nakita umano at kinuha ng mangingisda ang lumulutang na droga nitong Martes sa bahagi ng karagatang sakop ng Burgos, Ilocos Norte, at isinuko sa pulisya.
Ayon sa pulisya, may nakalagay na Chinese character sa lalagyan ng droga, na pinaniniwalaan na bahagi pa rin ng mga ilegal na droga na nakuha ng mga mangingisda sa bahagi ng karagatan ng Ilocor Sur.
Nitong Martes din, 11 plastic na may lamang shabu ang napulot ng ilang kabataan sa dalampasigan ng Agno, Pangasinan. -- FRJ, GMA Integrated News