Nilakad ng isang Japanese performance artist ang buong Panay Island sa loob ng 30 araw, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Umabot sa 200 metro ang nilakad ni Tappei Noguchi bitbit ang kaniyang mga gamit. Kapansin-pansin din ang isang lumang gulong na hila-hila niya.

Sa kaniyang paglalakad, hindi lang daw ang ganda ng isla ang kaniyang nasaksihan. Naranasan din daw niya ang hospitality ng mga taga-Panay.

Bilang pasasalamat, namigay si Noguchi ng mga obra niya sa mga taong tumulong sa kaniya. —KBK, GMA Integrated News