Napalaban sa barilan ang isang pulis na pauwi na nang matiyempuhan niya ang ginawang pagbaril at pagpatay ng riding-in-tandem sa isang lalaki sa Zamboanga City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Miyerkules, sinabing pauwi na ang pulis sakay ng kaniyang motorsiklo nang makita niya ang pagbaril at pagptay ng mga suspek sa isang 38-anyos na biktima sa Barangay Talon-Talon.

Hinabol ng pulis ang mga suspek na nauwi sa engkuwentro. Sa palitan ng putok, napatay ng pulis ang rider, at nasugatan ang angkas na gunman.

Dinala sa ospital ang sugatang suspek na hindi nagbigay ng pahayag.

Hinihinala ng pulisya na may kaugnayan sa ilegal na droga ang pamamaril ng mga suspek sa biktima.--FRJ, GMA Integrated News