Naglabas ng public apology ang isang dating propesor ng University of Southern Mindanao (USM) sa Kabacan, Cotabato, matapos niyang i-publish ang thesis ng dati niyang estudyante na nakapangalan sa kaniya.
Ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Huwebes, inamin ng dating propesor na mali ang kaniyang ginawa at nangakong hindi na ito mauulit.
Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuha ang panig ng dating estudyante.
Ayon naman sa Department of English Language and Literature ng USM, hindi nila alam na nag-publish ng thesis ang dating propesor.
"[T]he Department has no knowledge of the matter until a complaint was filed," sabi ng USM sa isang pahayag.
Sa ngayon ay nagkaayos na raw ang magkabilang panig.
"We encourage the public to cease formulating their own facts because the complainant and respondent have already reached a mutually acceptable settlement," anang USM. —KBK, GMA Integrated News