Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa ilog sa Cauayan, Isabela, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Sumabit daw sa lambat ng isang mangingisda ang bangkay.

Agad ipinagbigay-alam ng mangingisda ang insidente sa pulisya.

Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng bangkay. —KBK, GMA Integrated News