Patay ang isang security guard, habang sugatan ang isa pa niyang kasamahan, matapos silang barilin ng mga kawatan na nanloob sa binabantayan nilang planta ng bakal sa Villanueva, Misamis Oriental.
Sa ulat Cyril Chaves sa GMA Regional TV News nitong Huwebes, sinabing nangyari ang panloloob nitong madaling araw ng Miyerkules.
Pinosasan umano ng mga suspek ang 58-anyos na sekyu bago binaril. Sugatan naman ang isa pang sekyu na 30-anyos.
Ayon sa pulisya, tatlo ang lumalabas na suspek na nanloob sa planta pero posibleng mayroon pa umano itong mga kasamahan.
Tinatayang nasa P1.3 milyon na pera at mga alahas ang natangay ng mga salarin.
Person of interest ng mga awtoridad ang truck driver ng kompanya na may nakita pa umanong shabu sa minamaneho nitong sasakyan.
“Ang CCTV nag-suggest man gud nga everytime mugawas siya naa didto sa footage nagsunod sa iyaha tung mga suspek at the same time assailant,” ayon kay Misamis Oriental Provincial Police Office Director, Colonel Cholijun Caduyac.
Bagaman aminado ang driver na gumagamit siya ng ilegal na droga, itinanggi niya na may kinalaman siya sa nangyaring nakawan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mahuli ang mga suspek.--FRJ, GMA Integrated News