Nagliyab sa gitna ng kalsada ang isang delivery van sa Ragay, Camarines Sur.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo, sa bilis ng pagkalat ng apoy, hindi na naisalba ang mga laman nito na dadalhin sana sa Naga City.

Bahagyang sumikip ang trapiko dahil sa sunog. Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection. — BM, GMA Integrated News