Nauwi sa trahediya ang kasiyahan ng mga magkakaibigan nang madaganan ng tetrapod o concrete block ang isa sa kanila at masawi sa gilid ng ilog sa Dolores, Abra.
Sa ulat ni CJ Torrida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing 11-anyos ang biktima na kasama ang mga kaklase na nagkaayaan na mag-picnic sa ilog ng Barangay Cardona, Dolores, Abra.
Ayon sa ama ng biktima, nagpunta sa lugar ang anak dahil sa kasunduan nila ng mga kaklase na magpi-picnic sa ilog.
Naglaro umano ang ilang kabataan sa ibabaw ng mga bato hanggang sa bumigay at nadaganan sila.
Isang bata pa ang dinala sa pagamutan.
Kinailangan pang gumamit ng backhoe ang emergency responders para makuha sa pagkakaipit ang mga biktima.
Ang mga tetrapods ay nagbibilbing proteksyon at breakwaters sa gilid ng ilog. -- FRJ, GMA Integrated News