Isang balyena ang napadpad sa baybayin ng Barangay Bato sa Panukulan, Quezon nitong Linggo ngunit namatay din nitong Lunes.
Dahil sa pambihirang laki ng balyena ay pinagkaguluhan ito ng mga residente at naging atraksyon sa lugar.
Pilit na itinataboy ng mga residente ang balyena sa malalim na parte ng dagat ng subalit tumatabi pa rin ito.
Bandang 1:30 p.m. nitong Lunes ay pumanaw ang balyena.
Ayon sa mga lokal na opisyal ng Panukulan, magpupulong sila ngayong hapon upang pag-usapan kung paano ang gagawing paglilibing sa balyena.
Kukuha rin daw sila ng tissue sample sa balyena upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito. —Peewee Bacuño/KBK, GMA Integrated News