Tatlong construction worker ang nasawi, at tatlong kasamahan pa nila ang sugatan matapos maaksidente ang dump truck na kanilang sinasakyan sa New Bataan, Davao de Oro.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Huwebes, kinilala ang mga nasawi na sina Samuel Painandos, 45; Marjun Alagon, 33; at Peo Mesiona, 58, pawang mga empleyado sa isang construction firm na nakabase sa lalawigan.

Ayon sa mga awtoridad, nasa pababang bahagi ng daan ang sinasakyang truck ng mga biktima nang mawalan ito ng preno at hindi na nakontrol ng driver ang sasakyan hanggang sa tumagilid noong Martes ng hapon.

Tumilapon ang ilan sa mga biktima at tatlo sa kanila ang napuruhan

Kasama sa tatlong nasugatan ang driver ng truck na dinala sa Davao de Oro Provincial Hospital.-- FRJ, GMA Integrated News