Nailigtas ang isang Philippine Tarsier matapos itong mahulog mula sa puno at habulin ng aso sa Pigcawayan, Cotabato.
Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng Municipal Environment and Natural Resources Office na nasa kanilang tanggapan na ang tarsier at nasa mabuti nang kalagayan.
Dagdag ng MENRO, isa sa mga rason kung bakit naliligaw sa ibang lugar ang ilang wildlife species gaya ng tarsier ang disturbed habitat. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News