Apat na miyembro ng pamilya ang nasawi matapos silang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Tinago, Cebu City nitong Martes ng madaling araw.

Sa ulat ni John Kim Bote ng Super Radyo Cebu sa Super Radyo dzBB, sinabing nangyari ang sunog dakong 1:45 am, at naapula dakong 5:00 am.

Ayon sa awtoridad, isang ginang na edad 54 ang nasawi, isang lalaki na 60-anyos, at dalawang menor de edad na 12 at 14.

Walong katao rin ang nasugatan matapos magtamo ng mga paso sa katawan.

 

 


Sa hiwalay na ulat ng GMA Regional TV, kinilala naman ni Monaliza Otadoy na mga magulang niya at mga kapatid ang mga nasawi: ang mag-asawang  Parolito, Rosita, at magkapatid na sina Joseph at Jeffrey,

Nasa 10 bahay ang nasunog, at 30 pamilya ang naapektuhan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na tinatayang aabot sa P7 milyon ang halaga ng pinsala.-- FRJ, GMA Integrated News