Natagpuang patay sa loob mismo ng kanilang bahay ang mag-live-in partner sa Daraga, Albay.

Batay sa imbestigasyon, natagpuan ng bumisitang apo ni Gloria Lorena ang kanyang bangkay pati na ang kay Joel Millare, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Tinitingnan ng mga awtoridad ang posibleng crime of passion na anggulo dahil dati pa raw nag-aaway ang mag-partner.

Hindi umano pinapayagan ng lalaki na makipagsayawan sa iba ang kanyang partner dahil sa selos.

Walang pahayag ang kanilang mga kaanak. —KG, GMA Integrated News