Nakuha ng mga awtoridad ang nasa P8.1 milyong halaga ng fossilized giant clam shells o taklobo, na ibinaon sa buhangin sa baybayin ng Balabac, Palawan.
Sa inilabas na pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, sinabing nakuha ang 336 piraso ng taklobo noong February 14 sa Barangay Sebaring.
Ipinagkatiwala muna sa lokal na pamahalaan ang mga nakitang taklobo.
Ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 10654 o Philippine Fisheries Code of 1998 ang pagkuha ng mga taklobo na endangered na, malapit nang maubos.
Ang mga mahuhuling lalabag ay maaaring pagmultahin ng hanggang P3 milyon at pagkakakulong ng walong taon, ayon sa PCG..—FRJ, GMA Integrated News