Pinagtataga at pinugutan ng ulo ang isang senior citizen na lalaki sa Daanbantayan, Cebu. Ang suspek sa krimen, ang pamangkin mismo ng biktima na nagselos umano dahil pareho sila ng artistang pinagpapantasyahan.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Cristitulo BroƱona Casinillo, residente ng Barangay Tinubdan.

Naaresto naman ang suspek na si Jorge Camay Casinillo, na umano'y gumagamit ng ilegal na droga.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagselos umano ang suspek sa kaniyang tuyuhin dahil pareho sila ng artistang nagugustuhan.

Kumuha ng itak ang suspek na ginamit sa pagpatay sa biktima. Pero hindi pa siya nakontento at pinugutan pa ang kaniyang tiyuhin. -- FRJ, GMA Integrated News