Nasawi ang isang barangay kagawad matapos pumailalim ang kaniyang motorsiklo sa kasalubong na oil tanker sa Viga, Catanduanes.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na iniulat din sa Unang Balita nitong Martes, sinabi ng Viga Municipal Police Station na 58-anyos ang edad ng biktima.

Pumasok umano sa kabilang linya ng kalye ang barangay kagawad kaya siya sumalpok sa oil tanker at nakaladkad. —Jamil Santos/KG, GMA Integrated News