Nahulog at nalunod sa waste water na katabi ng kanilang bahay ang isang batang lalaki na dalawang-taong-gulang sa Lapu-lapu City, Cebu.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Martes, sinabi ng lolo ng biktima na matutulog na siya nang mapansin niya na wala sa higaan ang kaniyang apo.

Sinabi ng dating kapitan ng barangay sa kanilang lugar na may planong kompletuhin ang daanan ng waste water patungo sa drainage papunta sa main road pero hindi natuloy nang tutulan umano ng ilang residente.

Pinahigod na ng barangay ang tubig at pansamantalang tinakpan ang malaking butas sa naturang imbakan. -- FRJ, GMA Integrated News