Patay sa insidente ng hit-and-run ang isang 49-anyos na lalaki na bibili sana ng bigas sa Pamplona, Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente dakong 6 p.m. nitong Lunes.

Nakuhanan sa CCTV camera ang insidente at ang patuloy na pag-arangkada ng sasakyan.

Inaalam na ng mga awtoridad ang plaka ng sasakyan upang alamin kung sino ang nagmamaneho nito nang mangyari ang insidente.

Sinabi naman ni Police Captain Dulcesimo Alcantara Jr., Deputy Chief ng Pamplona Police Station, na patuloy nilang palalakasin ang police visibility para maprotektahan ang mga tao.-- FRJ, GMA Integrated News