Isang bangkay ang nakita sa loob ng isang abandonadong container van sa Tacloban City.

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News Unang Balita nitong Lunes, sinabing isang mag-asawa ang nakakita sa bangkay sa Barangay 95 Caibaan.

BASAHIN: Container van na galing sa Pilipinas, may 2 bangkay na nakita sa loob nang dumating sa Thailand

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), walang indikasyon ng foul play na nakita sa bangkay na dinala na sa morgue. —FRJ, GMA Integrated News