Anim ang patay sa salpukan ng tricycle at bus sa Calbayog City, Samar.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo, sabi sa police report na pauwi galing sa Christmas party ang mga sakay ng tricycle.

Lumipat daw sa kabilang linya ang tricycle para iwasan ang early warning device ng isang sirang backhoe.

Sakto namang may paparating na bus kaya nasalpok ito.

Dead on the spot ang anim na sakay ng tricycle kabilang ang dalawang menor de edad. Sugatan ang anim na iba pa.

Overloaded daw ang tricyle na may labindalawang sakay.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang bus driver . — BM, GMA Integrated News