Nahaharap sa reklamong arson at physical injury ang isang lalaki matapos niyang sunugin ang kanilang bahay nang hindi siya masarapan umano sa kanilang ulam sa Balamban, Cebu.

Sa ulat ng Super Radyo Cebu, na iniulat din ng Balitanghali nitong Huwebes, sinabing hindi umano nagustuhan ng lalaki ang ulam nilang nilagang baboy.

Base sa ulat ng pulisya, pumasok ang suspek sa kaniyang kuwarto matapos kumain at doon niya sinindihan ng lighter ang kaniyang kama.


Nadamay sa sunog ang mga magulang ng suspek.

Isinugod sa ospital ang kaniyang ina na napaso sa paa. â€”VAL, GMA Integrated News