Patay ang isang teacher matapos siyang pagsasaksakin sa Tacloban City nitong Sabado.

Nakilala ang biktima na si Bernabe Baciano, 39-taong gulang, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Lunes.

Natagpuan ng mga awtoridad ang kanyang katawan na duguan sa Barangay 98 Camansihay, ilang kilometro mula sa kanyang tinitirhan.

Ayon sa mga pulis, pagnanakaw ang isa sa mga anggulong tinitingnan nila sa imbestigasyon.

Nawawala raw kasi ang singsing, kuwintas, at pera ng biktima. —KG, GMA Integrated News