Isang sanggol na babae ang naputulan ng ulo habang iniluluwal ng kaniyang ina sa isang private clinic sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Martes, ipinaliwanag umano ng clinic na tatlong araw nang patay ang sanggol sa sinapupunan ng ginang.

Pero sa panayam ng Super Radyo Palawan sa ama ng sanggol,  sinabi umano nito na nagpasuri ang kaniyang asawa bago manganak.

Nalaman lang daw nila na putol ang ulo ng sanggol nang imbalsamuhin na ito.

Walang tugon ang clinc nang hingan ng pahayag tungkol sa nangyari.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya tungkol dito.-- FRJ, GMA Integrated News