Nahagip sa video ang ginawang pang-uuntog ng isang babae sa ulo ng isa pang babae sa kalsada dahil umano sa love triangle sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas, na iniulat din sa Balita Ko nitong Huwebes, sinabing sangkot din sa away ang isang lalaki.

Matapos iuntog ng babae ang ulo ng kaaway, hinabol siya ng lalaki at sinampal naman siya nito.

Sinabi ng mga pulis na kasal ang lalaki sa iba pang babae.

Walang may nais sa mga sangkot sa gulo na magsampa ng reklamo kaya ang kapulisan na ang magsasampa rito. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News