Nasawi ang isang truck driver matapos siyang makahawak ng live wire at makuryente sa Bacolod City.

Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Miyerkoles, kinilala ang biktima na si Charlie Salmorin, na nasagi ang mga kargang tubo ng mga kable ng telepono at internet sa Barangay Vista Alegre.

Dahil dito, huminto si Salmorin at umakyat sa truck para itali sana ang mga naputol na kable.

Gayunman, hindi sinasadyang nahawakan niya ang live wire.

Wala nang buhay ang biktima nang datnan ng mga rescuer. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News