Nagtamo ng mga sugat ang isang senior citizen matapos siyang atakihin at kagatin ng kaniyang alagang unggoy nang subukan niya itong ibalik sa kulungan sa Minglanilla, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabi ng asawa ng biktima na bago ang insidente, nakawala ang unggoy sa kulungan.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang biktima, habang nai-turnover na sa Provincial Environment and Natural Resources Office ang unggoy. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News