Patay ang isang junkshop owner sa Dagupan City, Pangasinan matapos siyang pagbabarilin habang nagpapahinga sa duyan.

Sa ulat ng Mornings with GMA Regional TV nitong Martes, kinilala ang biktima na si Nestor Villanueva, residente ng Barangay Lucao sa nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, nasa duyan si Villanueva nang pagbabarilin siya ng mga salarin sa likod.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo matapos isagawa ang krimen.

Hinihinala ng mga awtoridad na posibleng may kaugnayan  sa trabaho ng biktima ang motibo sa kriman.

Wala pang pahayag ang pamilya ng biktima, ayon sa ulat. --FRJ, GMA Integrated News