Kasama ang mga pulis, ipinahuli ni mister ang kaniyang misis na guro at umano'y kalaguyo nitong lalaki na naaktuhan sa loob ng kuwarto ng isang inn sa General Santos City.

Sa ulat ni Abbey Caballero sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, sinabing nangyari ang pagdakip sa 33-anyos na misis noong Linggo ng umaga.

Ayon kay Lagao Police Station Chief, Major Charles Abasillas, sinabi ng mister na dati na itong naghihinala sa kaniyang misis kaya sinundan niya ito hanggang sa makita niyang pumasok sa inn.

Nang buksan ng mga awtoridad ang kuwarto, nadatnan umano na magkasama sa kama ang ginang at ang umano'y kalaguyo nito.

Sinabi pa ni Abasillas na idinahilan umano ng babae na wala na sila ng kaniyang mister at hindi na niya ito mahal .

“Iyahang alibi is dugay na daw sila nagbulag nga dapat wala na sila, nahigugma na siya sa ubaw, na fall out of love na siya kay mister. Walay bisa ang alibi, kung basihan nato ang atong batas, walay bisa. Asikasuhon sa nila ilang mga papeles nga dapat ma-annuled na gyud sila ayha sila mo-enter ana,” ani Abasillas.

Mahaharap sa reklamong adultery ang guro at ang lalaki, na kapuwa hindi na nagbigay ng pahayag. -- FRJ, GMA Integrated News