Nasawi ang isang kapitan na kakandidato sa barangay elections sa Oktubre matapos pagbabarilin ng magkaangkas sa motorsiklo sa Taal, Batangas.

Sa ulat ng GMA Regional TV Southern Tagalog, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, mapapanood sa CCTV ang pagdaan ng motorsiklo sa barangay hall.

Sandaling huminto ang mga suspek, hanggang sa tila may binaril ang angkas.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos barilin ang barangay chairman na si Erasmo Hernandez.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa krimen at tinutugis na ang mga suspek. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News