Patay sa pamamaril ang tatlong barangay tanod sa Cainta, Rizal na rumesponde sa sumbong na may lalaking nambubugbog. Ang suspek, napatay din ng mga pulis.

Nangyari ang krimen sa Barangay San Juan, kung saan isang pulis at isang sibilyan din ang nasugatan.

Ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Linggo, sinabing pinuntahan ng mga tanod ang bahay pero namaril ang suspek.

Napatay din ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek matapos na manlaban.

Magbibigay naman ng tulong ang pamunuan ng barangay sa mga naulilang pamilya ng mga nasawing tanod. — FRJ, GMA Integrated News