Nakasuntukan at naghampasan ng mga plastic na upuan ang mga player at tagasuporta ng dalawang team na naglalaban sa paliga ng basketball sa Davao City.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabi ng mga awtoridad na nagsimula sa kantiyawan ang kaguluhan ng mga player at tagasuporta ng magkalabang purok sa Barangay Ma-a.
Bago magkagulo, nag-free throw muna ang isang player nang may isang tagasuporta ang pumasok sa court mula sa kalabang team.
Nilapitan nito ang may hawak ng bola at kaniyang sinuntok, at doon na nagsimula ang rambulan.
Nakilala ang lalaking nagpasimula ng kaguluhan pero hindi siya nagbigay ng pahayag sa media.
Hindi rin nagbigay ng pahayag ang Sangguniang Kabataan na nag-organisa ng liga.
Sinabi ng ng pulisya na walang koordinasyon sa kanila ang SK kaugnay sa naturang palaro.
Magsasampa naman ng reklamo ang player na nasuntok. --FRJ, GMA Integrated News