Isang putol na binti at isang katawan ng tao ang magkahiwalay na nakita sa General Trias, Cavite.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GTV "State of the Nation" nitong Miyerkules, sinabing unang nakita ng mga batang namimingwit ng isda sa ilog ang binti ng lalaki sa Barangay Bacao Uno nitong Lunes.

Sunod namang nakita ang isang katawan na walang ulo, braso at binti sa madamong bahagi ng open canal sa Barangay Pasong Camachile Dos.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sa iisang tao lang ang mga nakitang bahagi ng katawan.

Aalamin din kung may nawawalang residente sa lugar. --FRJ, GMA Integrated News