Nasawi ang isang siyam na taong gulang na lalaki matapos mahulog sa sinasakyang mala-tricycle na garong sa Concepcion, Tarlac.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng Concepcion MDRRMO na sumalpok sa concrete barrier ang garong sa gilid ng kalsada.

Matapos nito, napuruhan ang ulo ng biktima matapos itong tumama sa mga barrier.

Tinangka pang bigyan ng paunang lunas ang bata ngunit hindi na siya nagkamalay.

Hinahanap pa ng mga pulis ang menor de edad na driver ng garong. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News