Isang bangkay ng lalaking senior citizen ang natagpuan sa dalampasigan sa Naval, Biliran.

Nakilala ang biktima na si Pantaleon Mata, 65-anyos, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Lunes.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang dumalo ang biktima sa barangay organizations' night para sa selebrasyon ng piyesta.

Ayon sa isang residente, nalasing umano ang biktima.

Huling namataan ang biktima sa concrete seawall malapit sa venue ng selebrasyon sa Barangay Catmon.

Sa pagsusuri ng mga awtoridad, dakong alas-kuwatro ng umaga pumanaw ang biktima nang dahil sa pagkalunod matapos malasing. —KG, GMA Integrated News