Isang buwaya na mahigit limang talampakan ang laki ang nahuli ng mga residente sa Quinapondan, Eastern Samar.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bistak nitong Miyerkules, sinabing nakita ang buwaya na tinayang 50 kilo at may habang mahigit limang talampakan sa Barangay Palactad.
Nakita umano ng mangingisda ang buwaya na inakalang malaking bayawak lang na pumasok sa fish cage, ayon sa hiwalay na ulat ng GMA News Saksi.
Nagtulong-tulong ang mga tao na mahuli nang buhay ang buwaya at ipinagkatiwala sa regional office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Hindi naman binanggit sa ulat kung saan posibleng nanggaling ang naturang buwaya.--FRJ, GMA Integrated News